100,000 slots para sa passport appointment, binuksan ng DFA

Mayroong available na 100,000 slots para sa online passport appointment ang Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa abiso ng DFA sa kanilang Twitter, ang unang 50,000 slots ay available na as of alas 12:00 impunto ng tanghali, ngayong araw, June 14, 2018.

Ang dagdag na 50,000 pa ay magiging available naman mamayang alas 9:00 ng gabi.

Payo ng DFA sa publiko maging matyaga sa pag-check ng appointment at pag-refresh ng kanilang online appointment website.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...