Limang drug suspects arestado sa magkahiwalay na operasyon sa Quezon
Arestado ang limang hinihinalang tulak ng droga sa magkahiwalay na operasyon kontra iligal na droga sa Tiaong at Lucena City, Quezon.
Ayon kay Lucena City police chief Supt. Romulo Albacea, nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya sa Barangay Talao-Talao dakong alas-3:30 ng umaga ng Huwebes.
Doon nadakip sina Franklin Manuba, Ricardo Armenia, Janbert De Rama at Jan Kenneth Baltazar.
Nakumpiska sa mga suspek ang 19 na sachet ng 5.88 gramo ng shabu, timbangan at iba pang drug paraphernalia, at marked money.
Samantala, sa Tiaong naman naaresto si Rene Castillo Landicho dakong alas-6:00 ng gabi ng Miyerkules matapos isilbi ang seach warrant laban sa kanya.
Itinuturing si Landicho na ikatlo sa pangunahing tulak ng droga sa lugar.
Nakumpiska sa kanya ang 11 sachet ng 4.5 gramo ng shabu at P10,000 cash.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.