Heavy rainfall warning nakataas sa Bataan at Zambales base sa 11AM rainfall advisory ng PAGASA

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 14, 2018 - 11:03 AM

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa ilang lalawigan sa Central Luzon.

Sa 11:00AM rainfall advisory ng PAGASA, yellow warning level ang nakataas sa Zambales at Bataan dahil sa nararanasang tuloy-tuloy ay malakas nap ag-ulan.

Ang mga residente sa nabanggit na mga lugar ay pinag-iingat sa posibleng pagbaha.

Nakasaad sa abiso na light hanggang moderate at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang umiiral sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Bulacan, Rizal at Pampanga.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang alas 2:00 ng hapon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Heavy Rainfall, Pagasa, yellow warning, Heavy Rainfall, Pagasa, yellow warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.