WATCH: P250M na halaga ng high-quality Thai rice nasamsam ng BOC

By Mark Makalalad June 14, 2018 - 10:38 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang 200 containers ng rice shipment sa Manila International Container Port (MICP).

Laman ng mga containers ang mga high quality thai rice nasa P250 million ang halaga na nagmula pa sa bansang Vietnam.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapena, ang pagkakasabat sa naturang mga bigas ay pinakamalaking rice shipment na nasabat sa kanyang liderato.

Unang Linggo ng Hunyo ay dumating sa bansa ang mga rice containers na walang import permit mula sa National Food Authority.

Lumalabas naman sa imbestigasyon na nakatakda sanang i-deliver sa Sta. Rosa Farm Product Corporation sa Sta. Cruz, Maynila ang mga bigas.

Dahil dito, naglabas na ng Warrant of Seizure and Detention ang BOC sa Sta. Rosa Farm at kakasuhan din ang importer ng paglabag sa section 1113 ng Customs Modernization and Traffic Act at RA 10845.

Plano namang i-auction ng BOC ang mga nasabat na bigas.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Bureau of Customs, MICP, smuggling, Thai Rice, Bureau of Customs, MICP, smuggling, Thai Rice

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.