50 anyos na Pinay patay matapos mabiktima ng hit and run sa Canada

Nasawi ang isang 50-anyos na Pinay makaraang masagasaan sa Toronto, Canada.

Sa ulat ng CTV News sa Torondo, si Isabel Soria ay nasawi nang masagasaan habang tumatawid sa lansangan sa Briar Hill noong June 11.

Isang kulay silver na Dodge Ram pickup truck umano ang nakasagasa sa biktima.

Nabatid na kasama ni Soria ang kaniyang mister nang maganap ang insidente.

Hindi pa naman nadadakip ang suspek na inilarawan bilang “white male” na nasa edad 30 at nakasuot ng construction vest nang maganap ang insidente.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...