Ika-62 bata na nasawi na nabakunahan ng Dengvaxia isinailalim sa otopsiya ng PAO

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 14, 2018 - 10:16 AM

Isa pang bata na nasawi makaraang maturukan ng dengvaxia ang isinailalim sa otopsiya ng Public Attorney’s Office o PAO.

Dalawang beses na naturukan ng Dengvaxia vaccine ang 14 anyos na si Jocelyn Braga na nasawi kamakailan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PAO Chief Atty. Persida Rueda Acosta gaya ng iba pang mga naunang nasawi na naisailalim nila sa autopsy, si Braga ay nakitaan ng brain at multi-organ bleeding, hemorrhage, at edema.

Sinabi ni Acosta na sa 62 na nasawi at naisailalim nila sa autopsy ay 59 sa ang nabakunahan ng Dengvaxia.

Dagdag pa ni Acosta, marami nang grupo ng mga duktor ngayon ang tahimik na sumusuporta sa PAO sa ginagawang imbestigasyon.

Tiniyak din ni Acosta na sa kabila ng mga batikos ay magpapatuloy ang kanilang imbestigasyon at pagsasampa ng mga kaso.

Lalo at mismong si Pangulong Duterte aniya ang nagsabi sa kaniya na ituloy lang ang imbestigasyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Dengvaxia Vaccine, Persida Acosta, Radyo Inquirer, Dengvaxia Vaccine, Persida Acosta, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.