Maraming Pinoy suportado ang war on drugs ng pamahalaan – DILG
Malakas ang paniniwala ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na suportado pa rin ng nakararaming Pilipino ang war on drugs ng pamahalaan.
Ito’y kahit na may ilang sektor na patuloy na bumabatikos sa naturang kampanya ng Philippine National Police dahil na rin sa pagiging madugo umano nito at anti-poor.
Matapos masabat ng PNP ang 24 kilo ng shabu sa Sta. Ana, Maynila, sinabi ni Año na patuloy ang kanilang pagsusumikap sa ilalim ng Oplan Double Barrel sa pagsawata ng mga iligal na gawain lalo na yung may kaugnayan sa droga.
Muling binanggit ng opisyal ang survey noong huling quarter ng 2017 kung saan lumalabas na 88 percent o katumbas ng 9 sa 10 Pilipino ang buo ang tiwala sa war on drugs ng pamahalaan.
Paliwanag ni Año, dahil sa suporta na kanilang natatanggap, mas nahihikayat umano sila na ipagpatuloy ang kanilang
trabaho at panatilihin ang kanilang ‘momentum’ sa war on drugs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.