Duterte sa mga pari: Habang buhay tayong magka-away

By Chona Yu June 14, 2018 - 08:59 AM

Habang buhay tayong magka-away.

Ito ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pari habang nagsasalita sa ceremonial signing ng memorandum of agreement sa pagitan ng Commission on Higher Education (CHED) at ng mga State and Local Universities and Colleges sa Malakanyang.

Bago nagpatuloy ang pangulo sa kanyang talumpati kahapon, tinanong muna niya ang crowd kung mayroong pari na nasa kanyang harapan dahil gusto niyang magdasal muna.

Nang malamang walang pari sa harap, sinabi ng pangulo na habang buhay niyang ituturing na kaaway ang mga kagawad ng Simbahang Katolika.

Gayunman, agad namang kumambiyo ang pangulo at iginiit na nagkaroon naman siya ng magandang Christian education.

Matatandaang sa mga nakalipas na pitong buwan tatlong pari ang magkakasunod na pinatay kabilang sa mga napatay ay sina Father Mark Ventura, Father Tito Paer at Father Richmond Nilo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: catholic church, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, catholic church, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.