Pag-aaral hinggil sa epekto ng Dengvaxia sa mga hindi pa nagkaka-dengue, isinapubliko sa New England Journal of Medicine

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 14, 2018 - 08:26 AM

Isinapubliko ng New England Journal of Medicine ang artikulo na may titulong “Impact of Dengue Serostatus on Dengue Vaccine Safety and Efficacy” para mas madali itong ma-access ng publiko.

Ang nasabing artikulo ay naglalaman ng pag-aaral at buong analysis ng long-term clinical data hinggil sa Dengvaxia vaccine na nauna nang ibinahagi at inaunsyo ng Sanofi Pasteur noong Nobyembre.

Sa pag-aaral lumitaw na ang Dengvaxia ay proteksyon sa mga taong dinapuan na ng sakit na dengue, pero hindi inirerekomenda ang pagbibigay nito sa mga hindi pa nagkakaroon ng dengue infection.

Sa pahayag nan aka-post sa website ng Sanofi, sinabi nitong isinapubliko New England Journal of Medicine ang pag-aaral para mabigyang pagkakataon ang publiko na magkaroon ng access sa kabuuan nito.

Kinumpirma sa nasabing pag-aaral na ang potensyal na maiwasan ang dengue kapag naturukan ng Dengvaxia ay 84% para sa mga dati nang nagka-dengue.

Nakasaad din sap ag-aaral ang posibilidad na magkaroon ng severe dengue ang sinomang mababakunahan ng dengvaxia kung siya ay hindi pa nagkakaroon ng nasabing impeksyon.

Ang naturang pag-aaaral ay inilabas ng Sano Pasteur noong November 2017 na nagbunsod para imbestigahan ng Public Attorney’s Office ang sunud-sunod na pagkasawi ng mga batang nakatanggap ng bakuna.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Dengvaxia, Radyo Inquirer, Sanofi, Dengvaxia, Radyo Inquirer, Sanofi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.