Heavy rainfall warning nakataas pa rin sa ilang lalawigan base sa 8:00AM rainfall advisory ng PAGASA

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 14, 2018 - 08:18 AM

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa ilang lalawigan sa Luzon.

Sa 8:00AM rainfall advisory ng PAGASA, orange warning level ang nakataas sa Zambales at Bataan.

Habang yellow warning naman ang umiiral sa Tarlac.

Ang mga residente sa nabanggit na mga lugar ay pinag-iingat sa posibleng pagbaha.

Nakasaad sa abiso na light to moderate at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang umiiral sa Metro Manila, Cavite at Batangas

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang alas 11:00 ng umaga.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: bataan, Orange rainfall, Pagasa, Tarlac, zambales, bataan, Orange rainfall, Pagasa, Tarlac, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.