Simbahan sa Santiago, Chile sinalakay ng mga pulis kaugnay sa mga reklamo ng sexual abuse

Nagsagawa ng biglaang pagsalakay ang mga pulis at piskal sa Chile sa isang simbahan doon kasunod ng dumaraming reklamo kaugnay sa sexual abuse.

Sa nasabing pagsalakay, may mga dokumentong nasamsam ang mga pulis.

Ginawa ang pagsalakay ilang oras matapos makipagkita sa rop prosecutor ng Chile ang mga imbestigador mula Vatican na ipinadala ni Pope Francis.

Ayon kay Archbishop Charles Scicluna ng Malta, na nagsisilbing special envoy mula Vatican, napakahalaga na magtulungan ang Simbahan at estado para maprotektahan ang mga kabataan sa alegasyon ng sexual abuse laban sa ilang pari.

Ang sinalakay ng mga pulis ay ang judicial office ng Simbahan sa Santiago, Chile.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...