Sa kanyang pagbibigay ng update sa kung makakauwi na ba ng bansa si Parojinog, sinabi ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde na nakatanggap sya ng ulat na sumulat si Parojinog na gusto nyang mailipat sa NBI ang kanyang kaso.
Ipinaliwanag naman ni Albayalde na nakadepende ang paglipat ng kaso sa magiging desisyon ng Department of Justice.
Pero kung sakaling pagbigyan naman ng DOJ, ang kahilingan ay nakahanda naman sila na sumunod dito.
Samantala, inamin naman ng hepe ng PNP na sa ngayon ay limitado lang ang kanilang natatanggap na impormasyon kay Parojinog.
Nasa kustodiya kasi ng mga prosecutor sa Taiwan si Parojinog at wala sa Taiwan Police kung saan may diresto silang komunukasyon.
Bukod dito, bawal din ang pagtanggap ng bisita kay Parojinog kaya maging ang Taiwan Police ay hindi rin otorisadong makalapit.
Magugunitang nagtago ng 10 buwan si Ardot matapos ang raid sa compound ng mga parojinog sa Ozamiz kung saan napatay matapos manlaban ang kapatid nito na si Ozamiz mayor Reynaldo “aldong” Parojinog Sr., na kabilang sa mga politikong nasa narco-list ng Pangulo.