Panibagong LPA namataan ng PAGASA sa labas ng bansa, posibleng maging bagyo

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 14, 2018 - 06:45 AM

Isang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas pa ng bansa ang namataan ng PAGASA.

Nasa boundary ng Batanes Province ang LPA at patuloy na binabantayan ng PAGASA ang posibilidad na ito ay pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon kay PAGASA weather specialist Obet Badrina, hindi nila inaalis ang posibilidad na ito ay maging isang ganap na bagyo.

Papangalanan itong “Ester” sa sandaling mabuo bilang isang tropical depression sa loob ng bansa.

Bagaman wala itong direktang epekto sa bansa ay hinahatak na rin nito ang Habagat na siyang nagpapaulan sa Luzon.

Ani Badrina, saglit lang mananatili sa bansa ang LPA dahil halos nasa boundary ito ng norte at agad ding lalabas ng PAR.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Pagasa, Radyo Inquirer, weather, Pagasa, Radyo Inquirer, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.