Ayon sa 4am weather advisory ng PAGASA, ang natitirang bahagi naman ng mga rehiyon ng Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa at Calabarzon ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Sa Bicol Region, Visayas at Mindanao naman ay inaasahan ang generally fair-weather o maalinsangang panahon na may mga pag-ulan na dulot lamang ng localized thunderstorms.
Nakataas ang gale warning sa mga karagatan sa paligid ng Hilagang Luzon at kanlurang bahagi ng Gitnang Luzon kaya’t pinag-iingat sa pamamalaot ang mga mangingisda sa nasabing mga lugar.