Dumalaw na si Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ni dating National Security Adviser Roilo Golez madaling araw ng Huwebes.
Kasama ng pangulo na tumungo sa Heritage Park sa Taguig City si Special Assistant to the President Bong Go na sinalubong ni National Security Adviser Hermogenes Esperon.
Nakadalaw na rin sa burol ang ilang mga opisyal tulad nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Ilocos Norter Gov. Imee Marcos,
Samantala, sa Sabado, June 16, isasagawa ang huling misa at internment ng dating security adviser.
MOST READ
LATEST STORIES