PTV magpapalabas ng Chinese programs

Sa kauna-unahang pagkakataon ay isasahimpapawid sa pinakamalaking government television network ng Pilipinas ang mga palabas na nagpapakita ng kasaysayan at kulturang Chinese.

Ipalalabas ng People’s Television Network (PTV) na tumatakbo sa ilalim ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang mga Chinese language television series, documentaries, cartoons at mga pelikula na magkakaroon lamang ng dubbing sa Tagalog.

Pinasinayaan ang panibagong foreign programming na ito kahapon sa inagurasyon ng “China TV Theatre” sa New World Hotel sa Makati.

Ayon kay Chinese Ambasaddor to the Philippines Zhao Jianhua, ang hakbang na ito ay magbibigay daan upang mas maintindihan ng mga Filipino ang kultura at kasaysayan ng China.

Tatawagin ang Chinese programming ng PTV na “DreamWorks made in China’.

Read more...