13 patay sa pagtaob ng isang bangka sa Indonesia

Overloading ang itinuturong dahilan ng pagtaob ng isang bangka sa Sulawesi island sa Indonesia.

Ayon sa mga otoridad, hindi bababa sa 13 katao ang nasawi dahil sa insidente.

Lumabas sa kanilang imbestigasyon na patungo ng Barrang Lompo mula Paotere sa South Sulawesi ang bangka nang hampasin ng 10 talampakang taas na alon.

Bukod sa 13 bangkay na narekober, nasagip ang 22 pasahero ng bangka, ngunit nananatiling nawawala ang 8 iba pa.

Bagaman para lamang sa 20 pasahero ang bangka, umabot sa 43 ang sakay nito.

Read more...