Grupong KADAMAY bigong maokupa ang pabahay sa Rodriguez, Rizal

Bigo ang grupong KADAMAY na maokupa ang pabahay na nakalaan para sa mga pulis at militar sa Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal.

Ito ay dahil kusang umalis ang may 500 miyembro ng KADAMAY matapos na pakiusapan ni National Housing Athority (NHA) architect Susana Nonato ang grupo na lisanin na ang lugar.

Paliwanag nito awarded na ang lahat ng 715 na housing units at walang balak ang mga benepisaryo na isuko ang kanilang karapatan dito.

Nilinaw pa ni Nonato na kahit may implementing rules and regulations (IRR) ng Joint Resolution Number 2 ay may proseso pa rin na pagdaraanan bago ito maibigay sa sinumang mga maralitang tagalungsod.

Dahil sa pangyayari ay babantayan na mga residente ang kanilang lugar.

Pinuri din ni Nonato si Rodriguez Chief of Police Police Superintendent Pablito Naganag dahil hindi pinayagan ang mga miyembro ng KADAMAY na iokupa kahit isang pabahay sa lugar.

Nangako naman ang KADAMAY na muling magbabalik at magpapalakas ng kanilang hanay upang mapasakamay ang hinahangad nilang pabahay.

Read more...