Pag-aarmas ng mga pari at prosecutors suportado ng PNP
Walang nakikitang problema si Philippine National Police Chief Oscar Albayalde sa pag-armas sa mga prosecutor at pari.
Ito’y kasunod na rin ng mga insidente ng karahasan laban sa mga ito.
Ayon kay Albayalde, welcome sa kanya ang naturang panukala lalo pa’t karapatan ng sinuman na protektahan ang kanyang sarili kung sa tingin niya ay may panganib sa kanyang buhay.
Nilinaw naman ni Albayalde na bukas ito sa kahit na ordinaryong mamamayan basta mapatunayan lamang na kwalipikado base sa pagsusuri ng Firearms and Explosives Office.
Kasunod nito, hinimok naman ng hepe ng PNP ang mga pari na nangangamba sa kanilang buhay na makipag-ugnayan lang sa PNP para magawan ng kaukulang aksyon at makapagbigay sila ng kinakailangang seguridad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.