Brgy. officials di malayong maging private army ni Duterte ayon sa ilang kongresista

Inquirer file photo

Naniniwala si Caloocan Rep. Egay Erice na magreresulta sa pagbuo ng private army ang plano ng Pangulong Rodrigo Duterte at PNP Chief Oscar Albayalde na armasan ang mga barangay captains sa bansa.

Ayon kay Erice, magiging private army ng mga tinawag nitong political kingpins ng mga lungsod, munisipalidad at lalawigan ang planong pag-aarmas sa nasa 40,000 kapitan ng barangay.

Magiging scenario din anya sa wild wild west ang mangyayari kapag ito ay naipatupad.

Disaster naman para kay Akbayan Rep. Tom Villarin ang nasabing plano ng pangulo at PNP dahil sa halip na solusyon sa kasalukuyang problema sa loose firearms ay magiging dagdag na suliranin pa ito.

Ang pagpayag anya ng pagdadala ng armas ng mga barangay officials ay lilikha lamang ng “culture of violence” at pag-abuso sa kapangyarihan ng mga taong may otoridad.

Iginiit ni Villarin na sa halip na maging peaceful mediators, conciliators o arbitrators gagawing armado ang mga kapitan ng barangay at ang malala pa anya ay posible ang mga itong maging goons ng mga pulitiko.

Hindi rin anya ito naayon sa intensyon ng Local Government Code at barangay justice system.

Read more...