Sumadsad sa pinakamababang halaga ang halaga ng Piso sa pagsasara ng merkado ngayong araw.
Umaabot na sa P53 per U.S Dollar ang foreign selling sa pagsasara ng stock market.
Mas mababa ito ng 28 centavos kumpara sa pagsasara kahapon.
Noong June 29, 2006 naitala ang pinakamababang halaga ng Piso sa P53.50 per U.S Dollar.
Sa dealings sa Philippine Stock Exchange ngayong araw ay ramdam na ang matamlay na galaw ng piso umaga pa lamang.
Ang inflationary pressure ang sinasabing dahilan ng pagsadsad ng halaga ng Piso dahil sa dami ng mga imports na pumapasok sa bansa.
Nakatutok rin ang mga investors sa galaw ng Federal Open Market Committee na nagsabing posibleng itaas ng U.S ang kanilang interest rates.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.