Umalis na nang mapayapa ang grupong Kadamay matapos pakiusapan ng mga miyembro ng Rodriguez, Rizal PNP na kung maari ay lisanin na ang naturang lugar.
Isang opisyal ng National Housing Authority (NHA) ang nakipag-usap din sa grupo at nanindigang hindi sila mabibigyan ng bahay sa La Solidaridad Phase 1A Brgy. San Isidro Rodriguez, Rizal
Ipinaliwanag ng NHA na ang 700 bahay ay pawang mga nakalaan na o nai-reward na sa mga miyembro ng AFP at PNP ganun din sa ilang miyembro ng BJMP.
Kaninang umaga ay biglang lumusob sa nasabing lugar ang mga kasapi ng Kadamay dala ang ilang mga dokumento na nagsasabing may karapatan sila sa nasabing housing units.
Sinabi ni Kadamay Rizal Chapter Spokesman Simon Trinidad na babalik pa rin sila para angkinin ang mga nakatiwangwang na pabahay.
Binigyan-diin rin ng nasabing militanteng grupo na may karapatan sila sa nasabing mga housing units bilang mga maralita sa ating bansa.