Hinikayat ng oposisyon sa Kamara si Ombudsman Conchita Carpio-Morales na tumakbo sa pagka-senador sa 2019.
Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin, maaaring ipagpatuloy ni Carpio-Morales ang kanyang paglaban sa katiwalian at korapsyon kung tatakbo ito bilang senador.
Sinabi ni Villarin na ang mga katulad ni Carpio-Morales na may integridad, independence at tapang ang kailangan sa gobyerno.
Ginawa ng mambabatas ang panghihikayat kasunod ng pahayag ni Carpio-Morales na ipauubaya na lamang niya ang natitirang batch ng pork barrel cases sa susunod na Ombudsman na itatalaga ni Pangulong Duterte.
Paliwanag nito, maaaring mabalewala ang ilang taong trinabaho ni Carpio-Morales para mapanagot ang mga nasa likod ng pork barrel scam kung ito ay iiwan lamang sa susunod na kapalit nito sa Ombudsman dahil tila walang plano ang administrasyon na panagutin ang nasa likod ng PDAF scam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.