Duterte nababahala na sa sunud-sunod na kaso ng pagpatay sa mga pari
Naalarma na si Pangulong Rodrigo Duterte sa sunod- sunod na kaso ng pagpatay ng mga pari sa bansa.
Ayon kay presidential spokesman Harry Roque, ito ang dahilan kung kaya nais ng pangulo na magkaroon ng radical change para masiguro na maayos na naipatutupad ang law and order sa bansa.
Sinabi pa ni Roque na mismong si Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde na ang personal na namamahala sa imbestigasyon sa magkakasunod na pagpatay sa tatlong pari na sina Fr. Mark Ventura, Fr. Tito Paez at Fr. Richmond Nilo.
Gayunman, tumanggi na si Roque na magbigay ng karagdagang detalye sa kaso ng tatlong pari.
Dagdag pa ng opisyal, “Ito po’y in-assure sa akin kahapon lamang ni Gen. Albayalde; binigyan niya po tayo ng status briefing kung ano na ang imbestigasyon nila, kasama na iyong mga posibleng mga motibo, pero hindi po natin puwedeng ilathala ‘yan kasi po dahil ongoing po ang police investigation”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.