Binay may panibagong kaso sa Ombudsman

By Rohanisa Abbas June 13, 2018 - 03:21 PM

Inquirer file photo

Pinakakasuhan ng Office of the Ombudsman si dating Vice President at dating Makati City Mayor Jejomar Binay kaugnay ng maanomalyang ari-arian ng Boy Scouts of the Philippines sa Makati City.

Ayon sa Ombudsman, inirekomenda ng Field Investigation Office ang pagsasampa kay Binay ng kasong paglabag sa Sections 3(e) at 3(g) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Gayunman, kinakailangan pang isailalim ito sa preliminary invesigation para malaman ang probable cause.

Nag-ugat ito sa P600 Million pagbenta ng ari-arian ng BSP sa Malugay Street sa Alphaland Makati Place Inc. noong June, 2011.

Ayon sa Ombudsman, masyadong mababa ang halaga ng presyo nito dahil nakasaad sa Ombnibus Loan and Security Agreement ng BSP at Alphaland ay nakasangla nang P1.75 Billion.

Nauna nang sinabi ng kampo ni Binay na above board ang nasabing bentahan.

TAGS: alphaland, binay, boy scout, Makati, ombudsman, alphaland, binay, boy scout, Makati, ombudsman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.