Roque sa IBP: Move-on na sa kaso ni Sereno

By Chona Yu June 13, 2018 - 03:17 PM

Humihirit si Presidential Spokesman Harry Roque sa mga kapwa abogado na kasapi sa Integrated Bar of the Philippines na igalang ang naging desisyon ng Supreme Court na nagpapaalis kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng quo warranto petition.

Ayon kay roque, walo sa labing apat na mahistrado ang nasabi na hindi dapat na magpatuloy si Sereno sa kanyang katungkulan dahil sa hindi pagdedeklara ng tamang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).

Sa ngayon, sinabi ni Roque na maaring maghain na lamang ang IBP ng motion for reconsideration.

Pero sa paniwala ni Roque wala ring standing personality ang IBP dahil ang apektado sa petisyon ay si Sereno.

Apela pa ni Roque sa mga abogado na bilang officers of the court ay sila ang unang humikayat sa taong bayan na respetuhin at huwag kestyunin ang mga desisyon ng Supreme Court.

Dagdag pa ng opisyal, “So malinaw po ‘yan, at ang aking panawagan sa mga kapatid sa hanapbuhay, respetuhin talaga natin ang desisyon ng Korte Suprema”.

Matatandaan na noong Martes lamang, naghain ng motion for reconsideration ang IBP sa Supreme Court para ipabaliktad ang naunang desisyon noong May 11 na nagpapatalsik kay Sereno sa pamamagitan ng quo warranto petion.

TAGS: IBP, Roque, SALN, Sereno, IBP, Roque, SALN, Sereno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.