24 kilo ng smuggled shabu na nasamsam sa Maynila, inaalam pa kung paano naipasok sa bansa
Inaalam na ngayon ng Philippine National Police kung paano nakapasok sa bansa ang 24 na kilo ng shabu na nasamsam ng Northern Police District mula sa 2 drug suspek sa 2641 Interior 21, Pasig Line,Barangay 778 Zone 85, Sta.Ana, Manila kagabi.
Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde malinaw na smuggled ang mga nakuha na shabu bale sa mga pakete nito na nakasilid sa isang luggage.
Hindi naman matukoy ni Albayalde kung saan ito galing pero posible umano itong galing China dahil sa ‘Chinese marking’ na nakalagay dito.
Kinilala naman ni NPD Director Chief Supt. Clifton Empiso ang 2 drug suspek na naaresto na mag ina pa na sina Ian Akira Calibio, 26 anyos at Ruby Calabio, 61 anyos.
Tinatayang nasa P163 million ang halaga ng mga shabu naite-turn over naman sa Crime Lab para isasailalim sa eksaminasyon.
Samantala, itinuturing naman ni NCRPO Chief Guillermo Eleazar bilang malaking accomplishment ang pagkakasabat ng kilo-kilong shabu lalo pa’t posibleng malawak din ang operasyon ng mga suspek sa Kalakhanng Maynila.
Kasong paglabag Republic Act 9165 ang kakaharapin ng mga suspek. / Mark Makalalad
Narito ang ulat ni Mark Makalalad:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.