Pilipinas, suportado ang landmark summit ng US at North Korea
Tiniyak ng Malacañang na kaisa ang Pilipinas sa pagbibigay ng suporta para sa ganap na tagumpay ng landmark summit sa pagitan nina United States President Donald Trump at North Korean President Kim Jong Un.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, ang nasabing development na pagpapatunay sa kahalagahan ng diplomasya at diyalogo ay malaking hakbang tungo sa kapayapaan, seguridad at katatagan sa rehiyon at sa buong mundo.
Welcome aniya sa Palasyo ang naturang summit.
Ayon kay Roque, sadya itong makasaysayang pagsisimula ng bagong kabanata ng mundo.
“We welcome the landmark summit between US President Donald Trump and DPRK leader Kim Jong Un in Singapore. This development, which has underscored in the strongest terms the value of diplomacy and peaceful dialogue, augurs well for the peace, security and stability in the region and the world. History has indeed been written. At the same time, this is but the beginning of a process. The Philippines is ready and willing to lend its support toward bringing it to fruition,” ani Sec. Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.