Clean-up drive vs. dengue, ipinanawagan ni Senator Nancy Binay

By Jan Escosio June 13, 2018 - 12:20 PM

FILE

Ngayon nagsimula na ang panahon ng tag-ulan sa bansa, hinimok ni Senador Nancy Binay ang lahat ng kinauukulang ahensiya ng gobyerno na paigtingin ang pagsasagawa ng clean-up operations para maiwasan ang mga sakit, partikular na ang dengue.

Binanggit ni Binay na sa Cordillera Region ay lubhang nakakabahala na ang 87 porsiyentong itinaas ng kaso ng dengue sa unang 17 linggo pa lang ng taon.

Aniya dapat magtulong ang mga kagawaran ng edukasyon at kalusugan para sa pagpapakalat ng mga impormasyon ukol sa nakakamatay na sakit dala ng lamok.

Sinabi pa ng senadora na ang pagtaas ng bilang ng nagkakasakit ng dengue ay maaring mag-ugat sa maduming kapaligiran kayat aniya dapat magsagawa ng ibayong paglilinis.

Ayon kay Binay ang paglilinis ay puwedeng gawin naman ng LGUs, mga reservists ng AFP at DPWH at maaring umpisahan ito sa mga eskuwelahan.

 

TAGS: clean-up drive, Dengue, tag-ulan, clean-up drive, Dengue, tag-ulan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.