Iginagalang ng Palasyo ng Malakanyang ang pagpapasya ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde na ipagbawal nang iharap sa media ang mga nahuhuling suspek sa iba’t ibang uri ng krimen.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, welcome sa Malakanyang ang desisyon ni Albayalde.
Aniya, si Albayalde ang higit na nakakaalam kung ano ang gagawin sa mga nahuhuling suspek.
“Well, respetado po natin kung ano ang desisyon ni Chief Albayalde ‘no. Sa akin po either way puwedeng ma-justify ‘yan. Pero kung si Gen. Albayalde ay ganyan ang polisiya, siya naman po ang hepe ng Kapulisan, eh respetuhin natin ang kaniyang polisiya,” ayon kay Sec. Harry Roque
Ang pagba-ban ng photo ops kontra sa mga suspek ay una nang ipinatupad ni dating PNP Chief Gen. Jesus Verzosa sa pamamagitan ng pag-iisyu ng isang memorandum circular nuong 2009.