Pagbabawal ng PNP na iprisenta sa media ang mga nahuhuling suspek, welcome sa Palasyo

By Chona Yu June 13, 2018 - 11:43 AM

Pahayag ni Sec. Roque ukol sa pagbabawal na iprinsinta sa media ang mga nahuhuling suspek

Iginagalang ng Palasyo ng Malakanyang ang pagpapasya ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde na ipagbawal nang iharap sa media ang mga nahuhuling suspek sa iba’t ibang uri ng krimen.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, welcome sa Malakanyang ang desisyon ni Albayalde.

Aniya, si Albayalde ang higit na nakakaalam kung ano ang gagawin sa mga nahuhuling suspek.

“Well, respetado po natin kung ano ang desisyon ni Chief Albayalde ‘no. Sa akin po either way puwedeng ma-justify ‘yan. Pero kung si Gen. Albayalde ay ganyan ang polisiya, siya naman po ang hepe ng Kapulisan, eh respetuhin natin ang kaniyang polisiya,” ayon kay Sec. Harry Roque

Ang pagba-ban ng photo ops kontra sa mga suspek ay una nang ipinatupad ni dating PNP Chief Gen. Jesus Verzosa sa pamamagitan ng pag-iisyu ng isang memorandum circular nuong 2009.

TAGS: Palasyo, PNP, PNP chief Director General Oscar Albayalde, Presidential Spokesperson Harry Roque, suspek, Palasyo, PNP, PNP chief Director General Oscar Albayalde, Presidential Spokesperson Harry Roque, suspek

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.