Sereno, Ombudsman Morales, Agot Isidro, welcome sa 2019 opposition slate – Sen. Bam Aquino
Inamin ni Senator Bam Aquino na hindi pa napapabilang sa 2019 senatorial slate ng oposisyon sina dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Ombudsman Conchita Carpio-Moarles at singer-actress Agot Isidro.
Sinabi ni Aquino na hindi pa niya nakausap si Sereno para imbitahan na sumali sa binubuong Resistance Coalition, gayundin si Ombudsman Concita Carpio-Morales na nalalapit na ang pagreretiro.
Sa kaso naman ni Isidro, sinabi ng senador na si Sen. Kiko Pangilinan ang kumakausap sa actress-singer.
Ngunit pagdidiin nito, sa panahon ngayon na marami ang natatakot magsalita.
Umaasa siya na ang kakandidato sa ilalim ng koalisyon ng oposisyon ay ang mga hayagang tumitindig at nagsasalita para sa taumbayan.
Kabilang si Aquino sa pitong re-electionist senators at ang tanging miyembro ng oposisyon na may tsansa na mahalal sa 2019 midterm senatorial elections base sa Pulse Asia survey noong Marso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.