Espina, nagsimula nang magpaalam sa mga pulis

June 17, 2015 - 03:14 PM

espina1 (1)
Inquirer file photo

Sinimulan na ni PNP Officer-in-Charge Deputy Director General Leonardo Espina ang kanyang farewell visitation sa mga Police Regional Office sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Kanina, nagtungo si Espina sa Camp Vicente Lim sa Calamba City sa imbitasyon ni CALABARZON Police Director Chief Supt. Richard Albano.

Halos isang buwan na lang ay magreretiro na si Espina pagsapit ng kanyang ika-limamput anim na kaarawan, ang mandatory retirement age sa hanay ng Pambansang Pulisya.

Kamakailan lang ay bumisita sa Iloilo City si Espina at sa darating na Sabado ay magtutungo ito sa Fort del Pilar ng Philippine Military Academy sa Baguio City, kung saan siya nagtapos noong 1981.

Naitalagang OIC si Espina nang masuspinde si resigned PNP Chief Alan Purisima noong Disyembre dahil sa alegasyon ng katiwalian.

Magugunita na nagsumite rin si Espina ng kanyang resignation letter kay Pangulong Noynoy Aquino sa kasagsagan ng pag-iimbestiga sa Mamasapano incident at para na rin makapamili si Ginoong Aquino ng permanenteng hepe ng Pambansang Pulisya.

Ang pagbibitiw ni Espina ay tinanggihan ng Pangulo sa katuwiran na kinikilatis pa nito ang posibleng maging permanenteng kapalit ni Purisima. / Jan Escosio

TAGS: espina, PNP chief, Radyo Inquirer, espina, PNP chief, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.