Stand-down agreement sa pagitan gobyerno at komunistang grupo, ipinagpaliban
Ipinagpaliban nang isang linggo ang stand-down agreement sa pagitan ng gobyerno at komunsitang grupo, ayon kay Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison.
Unang itinakda ang stand-down deal bukas bilang paghahanda sa pagbabalik ng usapang pangkapayapaan.
Gayunman, ayon kay Sison, humiling ng palugit ang gobyerno para magkaroon ng ng mas mapaghandaan ang pagpapalaya sa anim na consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).
Dadalo ang mga ito sa negosasyon.
Ayon kay Sison, kakailanganin amg consultants para sa pagpaplantsa ng coordinated unilateral ceasefire na magiging bahagi ng interim peace agreement na lalagdaan sa June 28.
Sa ilalim ng stand-down agreeement, pinagbabawalan ang pwersa ng gobyerno at ng mga rebelde na magsagawa ng atake o operasyon laban sa isa’t isa at mga sibilyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.