Heavy rainfall warning nakataas pa rin sa maraming lalawigan sa Luzon base sa 11AM rainfall advisory ng PAGASA
Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa maraming lalawigan sa Central at Southern Luzon.
Batay sa 11:00AM rainfall advisory ng PAGASA, orange warning level ang nakataas sa Cavite at Batangas.
Habang yellow warning level naman ang nakataas sa Zambales, Bataan, Tarlac at Laguna.
Babala ng PAGASA sa mga residente sa apektadong lugar maaring magdulot ng pagbaha ang nararanasang malakas at tuloy-tuloy na buhos ng ulan.
Samantala, light hanggang moderate at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nakaaapekto sa Metro Manila, Nueva Ecija, Bulacan, Pampanga at Rizal.
Mamayang alas 2:00 ng hapon muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.