Pagpaslang sa hukom sa Camarines Sur, kinondena ng Korte Suprema
Kinondena ng Korte Suprema ang pagpatay sa isang hukom na nakatalaga sa Camarines Sur.
Sa inilabas na pahayag, mariing kinondena ni Supreme Court Acting Chief Justice Antonio Carpio ang pagpatay kay Judge Ricky Begino ng Metropolitan Circuit Trial Court (MCTC) ng San Jose-Lagonoy.
Nagpaabot din si Carpio ng pakikiramay at simpatya sa mga naulila ni Begino.
Kasabay nito, nanawagan ang mahistrado sa mga otoridad na gawin ang lahat ng hakbang para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng hukom.
Tinambangan si Begino noong Martes, June 12.
Batay sa ulat ng pulisya, nagpunta ang suspek na si Wilfredo Armea sa bahay ni Begino sa Barangay Sta. Maria bandang 5:00, Martes ng hapon.
Pagbukas ng pinto, binaril umano ni Armea ang biktima sa leeg.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.