P5.7M halaga ng ilegal na droga, nakuha sa dalawang sementeryo sa Cebu

By Angellic Jordan June 13, 2018 - 10:32 AM

Inquirer file photo

Aabot sa P5.7 milyong halaga ng pinaniniwalaang habu ang nakuha sa dalawang sementeryo sa Cebu, Martes ng gabi.

Ayon sa pulisya, huli sa akto ang high-value target na may dalang 475 gramo ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P5.6 milyon sa sementeryo sa Barangay Carreta.

Gumagawa ng lapida ang suspek sa naturang sementeryo.

Patuloy ang operasyon ng pulis para mahuli ang mga nakatakas na anak nito.

Itinanggi naman ng suspek na sangkot ang kaniyang mga anak sa ilegal na transaskyon ngunit inanimg maraming gumagamit at bumibili ng droga sa naturang sementeryo.

Samantala, nahulihan din ang isang pang suspek ng nasa P100,000 halaga ng ipinagbabawal na gamot sa Chinese Cemetery.

Paliwanag ng suspek, kapos siya sa pera kaya’t walang nagawa kundi magnegosyo ng droga.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang supplier ng mga suspek.

TAGS: Barangay Carreta, Chinese Cemetery, Barangay Carreta, Chinese Cemetery

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.