Drug pusher patay, brgy. councilor timbog sa anti-drug ops sa Cavite at Laguna
Patay ang isang hinihinalang tulak ng droga habang timbog naman ang isang councilor sa magkahiwalay na anti-drug operations sa Cavite at Laguna.
Sa Cavite, napatay ang suspek na si “Chokchok” sa bahagi ng Barangay Pulido sa bayan ng General Mariano Alvarez bandang 9:00, Martes ng gabi.
Ayon sa pulisya, humablot ng baril ang suspek mula sa kaniyang baywang kung kaya’t pinaputukan ito ng mga pulis.
Nakuha sa crime scene ang isang pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P400.
Sa Laguna naman, naaresto ang isang newly-elected barangay councilor sa Barangay Dayap, Calauan dakong 6:30, Martes ng gabi.
Nakilala ng pulisya ang suspek na si Christian Malveda, nagsisilbing councilor sa Barangay Silangan ng parehong lugar.
Narekober mula sa suspek ang 16 pakete ng hinihinalang shabu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.