Isang MTC judge sa CamSur, patay sa pananambang

Patay ang isang municipal trial court judge sa mismong bahay nito sa bayan ng Presentacion, Camarines Sur.

Batay sa ulat ng pulisya, nakilala ang isang Wilfredo Armea na pumunta sa bahay ng biktimang si Ricky Begino, 49-anyos sa Barangay Sta. Maria bandang 5:00, Martes ng hapon.

Pagbukas ng punto, binaril umano ni Armea ang biktima sa leeg.

Si Begino ay presiding MTC Judge ng bayan ng San Jose, Lagonoy at Presentacion sa naturang lugar.

Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit kalaunan ay namatay din bandang 8:00 ng gabi.

Gayunman, nahuli na rin ang suspek sa isinagawang follow-up operation ng pulisya.

Read more...