Sara Duterte kay Sen. Trillanes: Leave me alone!

June 13, 2018 - 09:33 AM

May matapang na mensahe si Presidential daughter at incumbent Davao City Mayor Sara Duterte kay Senator Antonio Trillanes IV.

Ito ay makaraang sabihin ng senador na tatakbong pangulo ng bansa si Mayor Sara sa 2022 elections para mapanatili ang kanilang pamilya sa kapangyarihan.

Sa kaniyang pahayag na ipinost sa Facebook at Instagram, all caps na “LEAVE ME ALONE” ang mensahe ni Mayor Sara kay Trillanes.

Babala ni Mayor Sara kay Trilllanes noong huling pagkakataon na may taong sumubok na siya ay pabaksakin ay siniguro niyang mahihirapan ito.

Binanggit ng alkalde si dating House Speaker Boy Nograles na tinalo niya sa pagka-Mayor noong 2010.

Dagdag pa ni Mayor Sara, gaya ng payo niya kay House Speaker Pantaleon Alvarez, mabuting tigil-tigilan na ni Trillanes ang pagbanggit sa kaniyang pangalan, at huwag na huwag kahit maibulong lang ito.

“Let me repeat, do not bother me and my slot will be available for a yellow Senator for the 2019 elections. President Duterte imagines you will be shot, on the other hand, I will make sure you are alive and in pain,” ayon kay Mayor Sara.

Sa general assembly ng Tindig Pilipinas noong Martes, sinabi ni Trillanes na ang option C ni Pangulong Rodrigo Duterte para manatili sa kapangyarihan ay ang patakbuhing senador si Mayor Sara sa 2019 at patakbuhin itong pangulo ng bansa sa 2022.

TAGS: "LEAVE ME ALONE", 2022, dating House Speaker Boy Nograles, Davao City Mayor Sara Duterte, president duterte, Sen. Trillanes, tindig pilipinas, "LEAVE ME ALONE", 2022, dating House Speaker Boy Nograles, Davao City Mayor Sara Duterte, president duterte, Sen. Trillanes, tindig pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.