24 na chief of police sa MIMAROPA na pawang low-performer sa anti-illegal drug campaign, sinibak sa pwesto

Sinibak sa pwesto ang 24 na chief of police sa Regiong 4-B o MIMAROPA.

Ito’y kasunod na rin ng rekomendasyon ng Oversight Commitee ng PNP na inaprubahan naman ni PRO-4 Diretor Chief Supt. Emmanuel Licup dahil sa kanilang hindi magandang ipinapakita sa anti-illegal drugs campaign.

Epektibo ang kautusan noong June 11 matapos lumabas na mababa habang ang iba naman ay zero ang accomplishment sa anti-illegal drug campaign mula December 5, 2017 hanggang May 31, 2018.

Apat sa mga nasibak na chief of police ay sa munisiplidad ng Bongabong, Bulalacao, San Teodoro, at Mansalay sa Oriental Mindoro.

Lima mula sa munisipalidad ng Looc, Lubang, Calintaan, Paluan, at Abra de Ilog sa Occidental Mindoro.

Walo sa munisipalidad ng Aborlan, Agutaya, Balabac, Bataraza, Brooke’s Point, Culion, Linapacan, at Quezon sa Palawan.

Habang tig-isa naman mula Irawan Police Station sa Puerto Princesa at munisipalidad ng Sta. Cruz sa Marinduque.

Nagbabala maman si Licup sa natitirang 53 na COP at Officers-In-Charge na triplehin ang kanilang trabaho sa anti-criminality operarions partikular na sa war on drugs.

Read more...