Mga opsyon para manatili sa posisyon si Pangulong Duterte, inilatag ni Trillanes

By Isa Avendaño-Umali June 13, 2018 - 02:42 AM

Nagbabala si Senador Antonio Trillanes IV ukol sa umano’y plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na manatili sa kapangyarihan.

Sa general assembly ng Tindig Pilipinas, pinalutang ni Trillanes ang tatlong opsyon na pwedeng gawin ni Duterte upang mapanatili sa posisyon at maiwasan ang pananagutan.

Ani Trillanes, Option A ang magdeklara ng martial law sa buong bansa; Option B, maisabatas ang Charter Change upang maisakatuparan na ang Federalism; at Option C, patakbuhin si presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte sa 2019 at pasabakin sa pampanguluhang halalan sa 2022.

Paniwala ni Trillanes, apektado umano si Duterte sa kontrobersyal na “presidential kiss” o aniya’y “halik ni Santanas” at ramdam na rin daw ng pangulo na hindi na siya rockstar tulad noong panahon ng kampanya, kaya pinag-iisipan ang padedeklara ng martial law.

Ang Cha-Cha naman ay isa ring opsyon ni Duterte, lalo na’t madalas nitong binabanggit ang revolutionary government.

Dagdag ni Trillanes, masyadong marami nang nadala sa mga pangako noon ni Duterte gaya ng kampanya laban sa iligal na droga, kahirapan at iba pa.

Pero sa mistulang iba raw ang naging plano ni Duterte, dahil Day 1 pa lamang ay napakarami na ang namatay sa war against drugs nito.

Samantala present rin sa naturang event ang iba pang mga senador gaya nina Bam Aquino at Risa Hontiveros.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.