2 holdupper patay sa engkwentro sa Maynila

Nasawi ang dalawang holdupper matapos magsagawa ng followup operation ang mga otoridad sa Sampaloc, Maynila.

Ayon sa mga pulis, bandang alas-2 ng madaling araw nang lapitan ng dalawang lalang suspek ang isang babae sa Altura Bridge.

Tinutukan umano ang biktima ng patalim, bago pwersahang kinuha ang kanyang gamit.

Matapos ang krimen ay agad na nakahingi ng tulong ang biktima sa mga pulis na agad hinabol ang mga suspek.

Dito na nagkapalitan ng putok ang mga otoridad at dalawang suspek.

Dead on the spot ang isa sa mga holdupper, habang nagawa pang isugod sa ospital ang kasamahan nito, ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre 38 baril.

Read more...