Mga kritiko ni Duterte may sariling Independence Day celebration sa U.P
Ngayong Independence Day, nagtipun-tipon ang iba’t ibang opposition groups, mga pulitiko at mga personalidad para sa general assembly ng “Tindig Pilipinas.”
Ang naturang event sa Bahay ng Alumni sa U.P. Diliman ay dinaluhan nina Senador Antonio Trillanes IV at Magdalo PL Rep. Gary Alejano.
Present din ang mga kilalang kritiko ng Duterte Administration na sina Leah Navarro at Jim Paredes, maging ang mga dating cabinet members ng Aquino government na sina Ging Deles at Dinky Soliman.
Nasa pagtitipon din ang iba pang Liberal Party members, at mga taga-Akbayan gaya ni dating Rep. Barry Gutierrez.
Batay sa iskedyul, inaasahang dadalo at magbibigay ng mensahe si dating Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.
May launching din ng libro ni detained Senator Leila de Lima.
Kabilang naman sa mga paksa sa general assembly ay ang mga kontrobersiyang kinakaharap ng kasalukuyang pamahalaan, tulad ng usapin sa soberenya, war against drugs, ang TRAIN law, peace and order, laban sa judical independence at pati ang pagiging mysoginist ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.