Lalawigan ng Aurora, hinagupit ng 216kph ng bagyong Lando

By Jake Maderazo October 18, 2015 - 12:21 PM

12167197_894023677349076_1464796875_nAng mata ng bagyong Lando ay nasa lalawigan ng Nueva Ecija kaninang alas diyes ng umaga.

Bahagyang humina ang lakas nito mula sa 175kph ay 150kph na lamang ayon sa 11-AM bulletin ng PAGASA ngunit may pagbugso pa rin itong aabot sa 185/kph.

Ang dating bilis ng pag-usad ng bagyong Lando na nasa 3-kilometers per hour ay bumilis ng bahagya sa 5-kilometers kada oras.

West-northwest ang direksiyon ng bagyong Lando patingin sa direksiyon ng Cordillera.

Ibinaba na sa Public Storm Signal No. 3 ang Aurora province kung saan nag-landfall ang bagyong Lando. Kasama din sa Signal No. 3 ang Nueva Vizcaya, Benguet, Ifugao, Mountain Province, Kalinga, La Union at Pangasinan.

Nasa Public Storm Signal No.2 naman ang Cagayan kabilang na ang Calayan at Babuyan Group of Islands, Isabela, Abra, Apayao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Rizal, Northern Quezon, kabilang na ang Polillo Island at Metro Manila.

Nasa Signal No. 1 naman ang Batanes, Cavite, Laguna, Batangas, at nalalabi pang bahagi ng Quezon Province.

Magiging malakas ang ulan sa Central at Northern Luzon hanggang sa Miyerkules ayon sa PAGASA.

TAGS: bagyong lando, nueva ecija, Pagasa, bagyong lando, nueva ecija, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.