Sec. Lorenzana kinompronta ang Chinese ambassador sa kanilang paghaharap sa Kawit, Cavite

By Chona Yu June 12, 2018 - 05:08 PM

screengrab

Aminado si Defense Sec. Delfin Lorenzana na nainis siya sa ulat na inagaw ng ilang Chinse Coast Guard personnel ang mga huling isda ng mga Pinoy na mangingisda sa Scarborough Shoal.

Sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Kawit, Cavite ay kinausap ni Lorenzana si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jinhua.

Sa isang video shot ay makikita na mistulang dinuduro ni Lorenzana si Zhao.

Ayon kay Lorenza, sinadya niyang ipakita mismo kay Zhao ang kanyang pagkainis dahil sa nangyari sa Scarborough Shoal.

Pero nang tanungin si Zhao, sinabi nito na confidential ang kanilang pag-uusap ni Lorenzana.

Pero ayon kay Lorenzana, sa naturang pag-uusap nila kanina ni Zhao ay sinabi nitong tinalakay nila ang ulat na pambu-bully sa mga Pinoy na mangingisda.

Tiniyak naman ng Chinese official na iniimbestigahan na nila ang nasabing pangyayari.

TAGS: Araw ng Kalayaan, lorenzana, West Philippine Sea, zhao jingping, Araw ng Kalayaan, lorenzana, West Philippine Sea, zhao jingping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.