Nanindigan si Magdalo Party-list Rep. Garry Alejano na hindi giyera o pagsuko sa China ang sagot sa isyu sa West Philipine Sea.
Ayon kay Alejano, mayroong iba pang paraan para maisulong ang karapatan ng Pilipinas kaugnay ng pinag-aagawang teritoryo.
Ang higit na kailangan anya ngayon ng pamahalaan ay ang pagkakaroon ng isang malinaw na estratehiya hinggil sa nasabing usapin.
Kabilang umano dito ay ang pagkakaroon ng civilian activities sa mga islang sakop ng teritoryo ng bansa katulad ng paggawa rito bilang tourism destination, pagdagdag sa mga isinasagawang marine scientific survey at maging ang simpleng pagtulong sa mga Pilipinong mangingisda sa naturang lugar.
Iginiit nito na Sa ganitong pamamaraan, mapagpapatibay ng gobyerno ang claims ng Pilipinas sa WPS.
Idinagdag pa nito na kahit umabot na sa modernong-moderno na ang defense capabilities ng bansa ay hindi pa rin marapat na makipag-giyera sa China.