Walang klase bukas, Oct. 19 sa lahat ng antas sa ilang lugar sa Metro Manila
Maagang nag-anunsyo ng suspensiyon ng klase para bukas, October 19 ang ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila dahil sa bagyong Lando.
Kabilang dito ang Caloocan, Valenzuela, Muntinglupa, Paranque, at Pateros. Nasa Signal No. 2 ang Metro Manila at ayon sa PAGASA inaasahan bukas ang malakas na ulan sa Metro Manila at ilang bahagi ng Central Luzon.
Binabantayan ang Marikina River ngunit ayon kay Mayor Del De Guzmab ng Marikina, wala pa sa alarming stage ang pagtaas ng tubig sa Marikina.
Sa kasalukuyan ay nasa 13.4 meters ang elevation ng tubig sa Marikina River, dalawang metro bago mag spilling level.
Gayunman, nakahanda na ang rescue teams ng Marikina ayon kay De Guzman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.