Menor de edad pinagsamantalahan ng mag-pinsan sa Maguindanao
Hinalay ng isang 75 taong gulang na lalaki at isa pang 48 taong gulang ang isang menor de edad sa Parang, Maguindanao.
Ayon sa pulisya, nakilala ang mga suspek na sina Dionisio Pis-an at Raymundo Quitor.
Sinabi ng 14 taong gulang na si alyas Lenlen na nagsimula ang panggagahasa sa kanya ng dalawang suspek noong Disyembre.
Pinakahuli rito ay noong June 7.
Aniya, pinagbabantaan siyang may mangyayaring masama sa kaniya kapag nagsumbong siya.
Kapitbahay ng biktima sina Pis-an at Quitor.
Nahaharap ang dalawa sa kasong rape.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.