LOOK: Cancelled flights ngayong araw, June 12 dahil sa sama ng panahon

Kanselado na ang ilang biyahe ngayong araw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa sama ng panahon.

Sa abiso ng Manila Internationa Airport Authority (MIAA), kanselado ang flight DG 6009 Manila to Basco at flight DG 6010 Basco to Manila ng Cebgo.

Ito ay dahil sa nararanasang masamang panahon.

Pinayuhan naman ng MIAA ang mga apektadong pasahero na direktang makipag-ugnayan sa airline company para sa refund ng pamasahe o rebooking ng flight.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...